Diocesan Commission on Youth
office
|
name
|
Diocesan Youth Director
|
Rev. Fr. Arnold A. Magboo
|
Diocesan Youth Coordinator
|
Joseph Daniel F. Flores
|
Diocesan Youth Leader
|
Dominic C. Despues
|
VF1 Youth Leader
|
Rexon C. Ilagan
|
VF2 Youth Leader
|
Marven Flaviano
|
VF3 Youth Leader
|
Herbert Sosa
|
VF4 Youth Leader
|
Catherine delos Angeles
|
VISION:
Kabataang buhay na nagkakaisa, tapat na naglilingkod at nagsasabuhay ng Salita ng Diyos
MISSION:
Kaming mga kabataan ay ganap na nagtatalaga ng sarili sa tulong at gabay ng Banal na Santatlo sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Paglalaan ng yaman, kakayahan at panahon para sa paghuhubog ng sarili at kapwa-kabataan;
2. Pag-aaral, pagninilay, pagbabahaginan at pagsasabuhay ng Salita ng Diyos;
3. Pakikipag-ugnayan sa iba't ibang samahan o antas ng mga kabataan para sa pagsasakatuparan ng mga programang paghuhubog;
4. Pagpapatibay ng ugnayan sa pamilya tungo sa ganap na pagmamahalan at pag-uunawaan ng bawat miyembro;
5. Pagbalangkas at pagtatatag ng material / pinansyal na yaman at mapamahalaan ito ng maayos para sa pagpapadaloy ng mga programa;
6. Pakikisangkot at pakikiisa sa mga usapin at gawaing panlipunan, pansimbahan at sa pagtataguyodng karapatang pantao; at
7. Pagpapanibago sa pagpapahalaga sa inang kalikasan at pagtulong sa pangangalaga nito.
Ano ang Programa ng Youth Ministry?
I. Youth Organizing
Ang Youth Ministry ay nagsusumikap na makabuo ng mga Formation Team sa pamamagitan ng iba't ibang paghuhubog ng pamiminuno at mga kinakailangang kasanayan. Samantala, malaya ang bawat parokya na bumuo ng mga gawain o paghuhubog para sa Crowd at Congrgation.
II. Youth Evangelization Program
> Initiating Formation o Initiation
> On going Formation o Gatherings
III. Youth in Mission
Bunga ng Ebanghelisasyon at patuloy na paglago ng isang kabataan inaasahan na ang bunga nito ay paglilingkod sa sambayanang kinabibilangan, Simbahan o lipunan. Dito natatangi ang bawat Youth Ministry ng bawat parokya sapagkat magkakaiba sa pagtugon sa kanilang komunidad. Dito rin nagaganap ang mga Leadership Trainings bilang pagtugon sa pangangailangang pamumuno. Kaya ang sinumang layko na may edad 40 pataas ay maaari pa ring maglingkod (sa) Youth Ministry sapagkat sila ay may PUSONG KABATAAN.
Ano ang mga tungkulin ng isang kasapi sa Youth Ministry?
Ang bawat kasapi ay inaasahang:
1. Mamuhay sa panalangin at SALITA;
2. Sumalo sa mga pagtitipon o Gatherings ng mga kabataan: Mumunting Hapag, Parish Assembly - Tipanan, at Youth Camps);
3. Magbahagi para sa misyon ng kabataan; at
4. Isabuhay ang aral ni Kristo.
.